NAGA CITY-Sugatan ang isang lalaki matapos sumalpok ang sinasakyan nitong motorsiklo sa isang kotse sa Ocampo, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si alyas Dan, 23-anyos, alyas “Dan,” 23-anyos, Brgy Tapol, Baao, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na dakong alas-5:25 ng umaga sa Brgy. Old Moriones, sa nasabing bayan ay nakapagatal ng vehicular accident na kinasasangkutan ng isang motorsiklo at kotse.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na habang tinatahan ng isang kotse na minamaneho ni alyas “Leo,” 49-anyos at residente ng Brgy. Pob. Presentacion, Camarines Sur, ang Gov. Fuentebella Highway patungon sa bayan ng Presentation, nang mabangga ito ng motorsiklo na pinagmamaneho naman ni alyas Dan, na noon ay kinain ang linya ng kotse.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan si Alias Dan na agad naman dinala sa ospital para sa tulong medikal, habang parehong nagtamo ng pinsala sa hindi pa matukoy na halaga ang mga sasakyan.