NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos na tagain ng nakainom na suspek sa Brgy. Caranan, Pasacao, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Dennis Ador, 38-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na nasa impluwensiya ng alak ang suspek na si Marlon De Ramos, 41-anyos ng sakalin nito ang alagang aso ni Ador.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing nasaway naman umano ng biktima ang suspek ngunit umuwi pa ito sa kanilang bahay upang kumuha ng itak at bigla na lamang tinaga ang biktima na nasa harap nang kanyang tahanan.

Maswerte naman na nakatakas sa pang-aatake ang biktima kung kaya dito naman ito nakakuha ng tyansa na maka-pagreport sa mga opisyal ng barangay sa kanilang lugar.

Dahil dito, mabilis naman na naaresto ang suspek at sa ngayon nasa kustodiya na ng mga awtoridad para sa karampatang disposisyon.