NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos na tagain sa Brgy. Anawan, Polillo, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Noel Azul, 51-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nasa ilalim ng impluwensya ng alak ang biktima at ang suspek na si Fernan Maningas ng magkaroon ng mainit na diskusyon sa pagitan ng mga ito.

Ito naman ang naging dahilan upang tagain ni Maningas si Azul.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa nasabing insidente nagtamo ng sugat sa kanyang katawan ang biktima na agad na dinala sa ospital para sa asistensya medikal.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad maging ang pagtukoy sa posibleng kinaroroonan ng suspek na agad na tumakas matapos ang nasabing insidente.