NAGA CITY – Sugatan an isang lalaki matapos na pagsasaksakin ng sarili nitong pamangkin sa Catanauan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Arnulfo Bico Resurreccion, 59-anyos, residente ng Zone 3, Brgy. 10, sa nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nag-aamok ang suspek na kinilalang si Nyzrrel Resurreccion, residente ng kaparehong lugar at mayroong dalang basag na bote nang lapitan umano ini ni Arnulfo upang awatin.

Subalit, dito na ito pinagsasaksak ng suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na dahil sa nasabing insidente, nagtamo ng tama ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital para sa tulong medikal.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang kaparusahan.