NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos pagsasaksakin sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Edwin Goleña, 46-anyos, residente ng Purok 6, Brgy Gibanga sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nag-iinuman ang biktima kasama ang suspek na kinilalang si alyas Vicente residente ng Brgy. Montecillo, Sariaya, Quezon sa loob ng kanilang barracks sa Brgy Pili, sa nasabing bayan na magkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng dalawa na nagresulta sa pananaksak ni alyas Vicente sa biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon kan mga otoridad, nabatid na dahil sa insidente nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan si Goleña na kaagad naman na dinala sa ospital para sa asistensiya medikal.

Samantala, kaagad naman na tumakas ang suspek matapos ang pangyayari.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad gayundin ang paghahanap sa posibleng kinaroroonan ng suspek.