NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos pagtatagain sa Brgy. Consocep, Tigaon, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Fernando Reyes Montano, 31-anyos, residente ng Zone 5, GK Village, Old Moriones, Brgy. Ocampo, Tigaon, sa naturang lalawigan.
Sa nakala na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang nasa lamay ang biktima at nasa ilalim ng impluwensiya ng alak nang magkarron ng komosyon na naging dahilan para ito ay pagtatagain ng suspek na kinilalang si Reynold Marianito Mendoza, 42-anyos, residente ng Zone 3, Bgy. Sta Cruz, Ocampo, Camarines Sur.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad napag-alaman na dahil sa insidente, nagtamo ng tama ng taga sa kaniyang mga braso ang biktima na agad namang dinala sa ospital para sa asistensiya medikal.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.