NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang kambal sa Tinambac, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Noli Boy, 34, residente ng Zone 5, Brgy. Cagliliog, sa nasabing bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga, PCPT. Liza Jane Alteza, tagapagsalita ng CSPPO, sinabi nito na nakikipag-inuman ang biktima sa kakambal nito na kinilalang si Mark nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.
Ayon kay Alteza, naglabas ng kutsilyo ang suspek at sinaksaksak ang kanyang kambal.
Agad namang dinala sa ospital ang biktima para sa tulong medikal at kasalukuyang nagpapagaling. Habang nasa kustodiya na ngayon ng Tinambac Municipal Police Station ang suspek.
Samantala, sinabi pa ng opisyal na isa sa mga unang dahilan ng mga ganitong insidente ay dahil sa away o hindi pagkakaunawaan.
Kaugnay nito, hinimok ni Alteza ang publiko na maging maunawain sa isa’t isa at huwag lutasin ang hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng galit upang hindi mauwi sa mga ganitong insidente.