NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos na pagbabarilin sa Mulanay, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Benjamin Robledo Almario, 53-anyos, residente ng Brgy Sto. Niño sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nilapitan umano ng hindi pa nakikilalang suspek ang biktima at tatlong beses na pinagbabaril.

Dahil dito, nagtamo ng dalwang tama ng bala ng baril si Almario na agad naman dinala sa ospital upang malapatan ng lunas.

Samantala, lininaw naman ng mga awtoridad na hindi election related ang insidente dahil suspensido naman si Almario na bumoto kaugany ng nakaraan nitong kaso.

Sa kabila nito, narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong piraso ng empty shell ng cal. 45 na badil.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang hot pursuit operation para sa mabilis na pagkaka-areso sa nakatakas na salarin.