NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos saksakin ng “ice pick” sa Ocampo, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Gerry Brioso, 49-anyos, residente ng Zone 1, Barangay San Vicente, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang nakatayo sa gilid ng kalsada ang biktima nang bigla na lamang dumating an suspek na kinilalang si Zaldy Bongult ngunit, maswerteng nakatakbo palayo sa suspek an biktima.

Dahil sa insidente, nagtamo ng tama ng saksak si Brioso sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan.

Sa ngayon, hinahanap na ng mga awtoridad an salarin para sa kaukulan nitong disposisyon.