NAGA CITY- Timbog ang isang lalaki dahil sa illegal na droga at baril sa Ragay, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Rizaldy Rionda, 37-anyos, residente ng Brgy Port Junction Norte sa nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMAJ Garry Mangente, hepe ng Ragay Municipal Police Station (MPS) sinabi nito na matapos magpositibo ang paghain nila ng search warrant sa bahay ng suspek, dito na narekober ang isang pitaka na may lamang anim na piraso ng plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu, isang posporo na may laman ng dalawang piraso ng plastic ng pinaniniwalaang shabu at dalawang piraso ng improvised pipe.

Ayon pa kay Mangente, nasamsam din sa suspek ang tatlong pirasong magazine sa Caliber 45, isang pirasong homemade/improvised 12 gauge shotgun na may magazine na naglalaman ng tatlong pirasong bala at 1 bala para sa M14.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Rionda at posibleng maharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms.