Alam ba ninyo mga ka-Bombo, sa ospital bumagsak ang isang lalaki matapos na mahulog mula sa puno ng santol sa Macabito, Calasaio, Pangasinan.
Kumuha lamang umano ng bunga ng santol si Jun Rey Largo, 22-anyos na hinihingi ng partner nito na buntis sa kanilang anak.
Pababa na sana si Jun Rey nang nabali ang inaapakan nitong sanga at dahil taas ng kinahulugan nito nabali ang buto nito sa kanyang braso.
Dahil sa pangyayari kinailangan pang operahan si Largo upang malagyan ng bakal at maalis ang mga namuong dugo sa kaniyang braso.