NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang isang lalaking may problema sa pag-iisip matapos magbigti sa loob ng sariling kwarto sa Mauban, Quezon.

Kinilala ang biktima na isang 36-anyos, residente ng Barangay Daungan sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang ng ama ng biktima na nakabigti ang kanyang anak sa loob ng kwarto nito.

Agad namang dinala sa ospital ang biktima para sa asistensya medikal ngunit idineklara ring dead-on-arrival ng mga doktor.

Samantala, wala namang nakitang foul play ang mga awtoridad sa naturang insidente.