NAGA CITY- Natagpuan na wala ng buhay ang katawan ng isang indibidwal sa Basud, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Jayson Clidoro, 38a-anyos, residente ng Bagacay, San Jose Camarines Sur

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan, natagpuan ang wala ng buhay na katawan ni Clidoro sa ilalim ng tulay ng Bicol Natural Park, Barangay Tuaca, Basud, Camarines Norte kahapon, Hulyo 1, 2024.

Maalala, una ng ideneklara na missing si Clidoro noong Hunyo 27, 2024.

Samantala, suot pa rin ng nasabing biktima ang green na t-shirt at gray na pantalon ng matagpuan.

Ayon pa sa imbestigasyon ng mga kapulisan, pumunta ng Sipocot, Camarines Sur ang biktima upang makipagkita sa umano’y buyer ng kanyang laptop subalit hindi na ito nakauwi simula ng araw na iyon.

Hustisya naman ang panawagan ng mga kapamilya nito sa sinapit ng biktima.