NAGA CITY – Pinangangambahang anumang oras ay muling maitala ang landslide sa ilang lugar sa bayan ng Sagñay Camarines Sur lalo na kung maramdaman na ang malakas na buhos ng ulan dahil sa bagyong Tisoy.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Marjun San Felipe, Municipal Administrator ng Sagñay, sinabi nitong sa ngayon passable pa naman ang Sagnay-Tiwi Road ngunit posible itong isara anumang oras dahil sa banta ng landslide.
Ayon kay San Felipe, malambot na ang lupa lalo na sa Barangay Patitinan kung kaya pwedeng muling gumuho kung magtuloy-tuloy ang pag-uulan.
Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na aniya ang munisipyo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para matiyak na walang casualty na maitatala sa naturang lugar.
Kung maaalala mahigit sa 30 katao ang naitalang patay habang marami pa ang hindi na natagpuan ng manalasa ang bagyong Usaman noong nakaraang taon sa lalawogan