NAGA CITY – Championship quality ang naging paglalarawan ng isang football coach sa naging laban ng Argentina at France kahapon ng madaling araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ki Coach Francis Banzuela, coach ng football team ng University of Nueva Caceres sa lungsod ng Naga, sinabi nito na naging maganda at makapigil hininga ang nasabing laro.
Ito’y dahil sa hindi na nila malaman kung ano ang mangyayari sa mga susunod na minuto.
Nababaliktad kasi umano ang pangyayari lalo na matapos na maka goal at maitabla ng France ang score sa 2-2.
Maaalala na unang arangkada palang nga laro, hawak na ng Argentina ang kalamangan sa score na 2-0, dahil dito, nakampante umano ang mag ito at inisip na panalo na ang Argentina ngunit hindi na inaasahan na makaka-score pa ang France.
Dahil sa biglaang pagbabago ng mga pangyayari, hindi na maintindihan ng mga nanonood kung sino talaga ang mananalo sa nasabing torneyo.
Ngunit, naging malaking hamon umano sa France ang pagpasok ng isa pang star player ng Argentina na si Angel Di Maria
na matagal ng hindi nakapaglaro dahil sa injury.
Binigyan diin naman nito na talagang pinag-aralan ng dalawang koponan ang galaw ng bawat isa na naging dahilan kung bakit naging maganda ang kinalabasan ng laro.
Sa kabilang dako, tungkol naman sa isyu na posibleng umalis na sa koponan si Lionel Messi magiging malaking hamon umano ito sa koponan ng Argentina dahil labis ang respeto na binibigay sa kanya ng mga kasamahan o teammates.
Mahirap umano na mapalitan at mapantayan ang mga nagawa ng nasabing player dahil sa marami na itong naging amabag sa larangan ng football.
Sa ngayon, panawagan na lang ni Banzuela sa lahat na suportahan at mas lalo pang linangin ang potensyal sa football lalo na at patuloy na nadadagdagan ang bilang nga mga batang nagkakaroon ng interes sa nasabing laro.