Nasungkit ng Pilipinas ang ikalawang gintong medalya sa 6th Asian Beach Games sa Sanya, China matapos manguna si Leonard Grospe sa high jump event nitong Biyernes ng umaga.

Naitala ni Grospe ang winning mark na 2.05 meters upang masiguro ang gold medal. Matagumpay niyang nalampasan ang 1.80m, 1.90m, at 2.00m bago nabigong ma-clear ang 2.10m sa limang pagtatangka.

Pumangalawa si Po-Ting Yeh ng Taiwan na may 2.00m para sa silver medal, habang nakuha naman ni Hao Zhang ng China ang bronze matapos ding maabot ang parehong taas.

Patuloy naman ang magandang kampanya ng Pilipinas sa torneo matapos makuha ang unang gintong medalya mula kay Alexandria Enriquez, habang nag-uwi rin ng bronze si Kaila Napolis sa jiu-jitsu noong Huwebes.

Advertisement
Advertisement