Inihayag ni Batangas Representative Leandro Leviste na handa niyang sagutin ang gastusin sa ospital ni Malacañang Press Officer Claire Castro kung magpapagamot ito sa stress na idinulot ng kanyang cyber libel case.
Ayon kay Leviste, bagama’t wala siyang obligasyon, susuportahan niya si Castro kung kailangan ng medikal na atensyon, at mas mainam aniya kung may maibigay na medical certificate mula sa doktor.
Humihingi si USec. Castro ng P500 milyon bilang danyos mula kay Leviste dahil sa umano’y paninira sa kanyang integridad at idinulot nitong “sleepless nights at anxiety.”
Aniya, positibo ang hakbang ni Leviste dahil inaamin niya na nagdulot siya ng stress, ngunit nilinaw na hindi ito nangangahulugang pag-amin ng pananagutan.
Noong Enero, nagsampa si Leviste ng civil libel complaint laban kay Castro, humihingi ng P100 milyon sa moral damages, P10 milyon sa exemplary damages, at P1 milyon para sa attorney’s fees, dahil sa umano’y paninirang-puri at maling impormasyon tungkol sa kanyang kumpanya sa power sector.








