NAGA CITY- Nagapela ngayon ng lokal na gobyerno ng lungsod ng Naga sa Department of Health (DOH) na maging bukas ito sa mga importanteng
impormasyon pag dating sa Coronavirus disease sa probinsya.

Ito’y matapos i-anunsyo ni Naga City Mayor Nelson Legacion ang unang kaso ng nasabing sakit sa Naga City na kasalukuyan nag papagaling sa Bicol
Medical Center.

Sa ipinaabot na impormasyon ni Legacion, sinabi nito na dapat umanong mas maging transparent ang nasabing ahensya sa lokal na gobyerno tulad
na lamang ng pagiging bukas din ng mga ito sa mga ibinabagahing impormasyon.

Ayon kay Legacion, mahalaga ito upang mas mapadali at maging maayos ang mga hakbang ng gobyerno laban sa pandemic na Coronavirus
disease, lalong-lalo na pagdating sa mga Persons Under Investigation (PUI) na naka confine at mga psyenteng kanilang isinasailalim sa striktong Home Quarantine.

Advertisement

Samatala, siniguro naman ng lokal na gobyerno na gagawin nito ang lahat na hakbang upang alamin at abesohan ang lahat na mga nakasalmuha ng
nasabing pasyente.

Advertisement