NAGA CITY– Nagbanta ngayon ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Naga sa mga negosyanteng magtatangkang maghoard ng mga face masksat medical supplies sa lugar.

Ito’y sa gitna ng nararanasang kakulangan sa supplies ng face masks dahil sa banta ng novel coronavirus.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Naga City Councilor Joe Perez , sinabi nitong mayroon na silang koordinasyon Criminal Ivestigation and

Detection Group kung saan oras na may mapatunayan sa hoarding sa supply ng mga face masks agad itong aarestuhin ng CIDG at sasampahan ng
karampatang kaso.

Ayon kay Perez, sa ngayon wala pa namang ganitong pangyayari sa lungsod ngunit aminado itong kakulangan talaga artificial shortage ng nasabing
mga produkto.

Samantala, wala pa namang niatatalang negosyanteng nagtataas ng kanilang presyo.