NAGA CITY- Naglaan ng aabot sa P5.3 Million na pondo ang lungsod ng Naga para sa programang “City COVID-19 Barangay Mobilization Allowance”.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Councilor Lito Del Rosario, sinabi nito na ang P1.6 Million dito ay mula sa Liga fund at P3.7 Million naman ay mula sa barangay support fund.

Ayon sa opisyal binuo ang nasabing programa ng Sangguniang Panlungsod (SP) upang ilaan sa mga barangay workers.

Mabibigyan ng nasabing programa ang mga barangay kapitan, kagawad, SK chairman, SK members, mga barangay tanod, Barangay Health Workers (BHW), Social welfare volunteers, barangay electricians at maging mga guro na tumulong sa mga aktibidad para sa paglaban sa coronavirus disease.

Advertisement

Samantala, ayon sa opisyal pagbabatayan ng nasabing programa ang listahan na ibibigay mula sa mismong mga barangay ng lungsod.

Advertisement