NAGA CITY- Patay ang isang lola matapos mabundol ng isang motorsiklo sa Brgy. Sta Cruz, Baao, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Nelia Beroin, 72 taong gulang, residente ng Brgy San Roque, Baao, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang tumatawid umano sa kalsada ang biktima ng aksidente mabundol ng isang motorsiklo na minamaneho ni Arjie Boaquiña.

Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa ulo ang biktima na naging dahilan ng agarang kamatayan. Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang driver ng naturang motorsiklo para sa karampatang disposisyon.