NAGA CITY – Patay ang isang lola matapos na mabangga ng motorsiklo sa Calauag, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Nelia Asaldo Encallado, 80-anyos, residente ng Brgy. Rizal Ibaba Calauag, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabaybay ng suspek na kinilalang si Ericson Panizares Lasalita, 29-anyos, residente rin ng nasabing lugar ang Calauag-Guinayangan Provincial Road ng aksidente nitong mabangga ang biktima na umano’y bigla na lamang tumawid sa kalsada.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa nasabing insidente, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital ngunit ideklara ring dead-on-arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagibong imbestigasyon ng mga awtoridad.