NAGA CITY- Patay ang isang lolo matapos na malunod sa Barangay Apolidan, Lupi, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Dominador San Diego, 60-anyos, residente ng Brgy. Bolo Sur, Sipocot sa nasabing probinsiya.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang naliligo ang biktima sa isang ilog kasama ang isa pang indibidwal na kinilalang si Salvador Bautis ng magdesisyon ang dalawa na umuwi na.

Ayon kay Bautis, iniwan umano nito saglit ang biktima para kuhanin ang kanilang sasakyan pauwi habang naiwan naman na naliligo si San Diego.

Nang balikan ni Bautis ang kinaroronan ng biktima wala na ito at hindi na nakita.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad napag-alaman na nakita na lamang ang wala ng buhay na katawan nang biktima na pinaniniwalaang nalunod.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.Top