NAGA CITY – Patay ang isang lolo matapos na pagsasaksakin sa General Luna, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Virgilio Ricamara Hermosa, 65-anyos, residente ng Purok Central A, Brgy. Bacong Ilaya sa nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang kumakain ang biktima sa loob ng bahay ng pamangkin na si Aljun Aguado Ricamara ng dumating ang suspek na kinilalang si Ranjone Ricamara Surbano at pinaghahanap ang biktima.

Dahil dito, nagkaroon ng komprotasyon at mainit na pagtatalo sina Hermosa at Surbano na naging dahilan ng pananaksak sa biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na dahil sa insidente, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-iabng parte ng katawan ang biktima na agad naman dinala sa ospital para sa tulong medikal subalit ideneklara na itong dead-on-arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad lalo na ang pag-alam sa kinaroroonan ng suspek na agad ng tumakas matapos ang nasabing krimen.