NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang katawan ng hindi pa nakikilalang senior citizen sa Dumaca River sa Lucena City

Pinaniniwalaan na nasa 70-anyos ang edad ng biktima.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan ang katawan ng biktima ng mga residente na nasa ilalim ng Lakawan Bridge sa nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, pinaniniwalaan na wala namang nangyaring foul play sa insidente at pagkalunod ang nakikita nilang dahilan sa naging kamatayan ng biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang posibleng pagkakakilanlan ng nasabing biktima.