NAGA CITY – Naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay nang matagpuan ang isang lolo sa Ragay, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Jose Villanueva, 63- anyos
Sa nakalap na impormasyon ng bombo Radyo Naga sa PNP – Ragay, napag alaman na nakita ang bangkay ng biktimang puno ng saksak sa may bulubunduking sakop ng nasabing lugar.
Lumalabas sa imbestigasyon na habang nag iinoman ang suspek na si Adrian Miranda at ang nasabing biktima nang magkaroon ityo ng mainit na argumento.
Nasa loob umano ng bahay ang witness na si Edwin Manriza nang hiramin ng suspek ang kanyang kalabaw at karetelya at isinakay dito ang biktima na noon ay tinadtad na nito ng saksak.
Una rito kinausap pa umano ng suspek si Manriza at ipinaalam na patay na ang biktima at humingi ng pabor na huwag ipag bigay alam sa iba ang nangyari.
Sa ngayong nagpapatuloy pa ang imbestigasuon habang pinaghahanap na ang suspek na agad na tumakas matapos ang krimen.