NAGA CITY- Sugatan ang isang lolo matapos na pagtatagain ng isang lasing sa Brgy. Cagnipa Presentacion, Camarines Sur.

Kinilala ang lolo na si Erly Villaralvo habang kinilala naman ang suspek na si Reynaldo Sauro mga residente sa nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMsgt. Adulf Leonen investigator on case ng Presentacion PNP, sinabi nitong naghahanda lamang aniya sa
pangingisda si Villarovo ng biglang dumating ang tila lasing na si Sauro at tinaga ang matanda.

Kaugnay nito, agad naman isinugod sa ospital si Villarovo matapos magtamo ng sugat sa ulo.

Samantala, pinaghahanap naman ngayon si Sauro na sinasabing agad na tumakas matapos ang insidente.

Sa ngayon, ayon kay Leonen patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon hinggil sa krimen.