NAGA CITY – Kinumpirma ni Naga City Mayor Nelson Legacion na mayroon nang community transmission sa lungsod ng Naga.
Ito’y kaugnay ng sunod-sunod na araw na pagkakatala ng mataas na bilang ng nagpopositibo sa COVID-19 sa lungsod.
Ngunit nilinaw ng alkalde na hindi pa malala ang sitwasyon ng lungsod gaya ng sa Metro Manila.
Kung kaya, nagbaba na ng kautusan ang alkalde sa mga barangay at mga establisyemento na pansamantalang itigil o limitahan ang iba’t-ibang aktibidad na hahatak ng maraming tao at magkaroon pa ng posibilidad ng pagtitipon ng mga ito.
Giit pa ng alkalde na lahat ay may responsibilidad at obligasyon sa sosyudad para matigil ang pagkalat ng virus.
Sa ngayon, nanawagan ang alkalde sa publiko na mahigpit na sumunod sa mga panuntunan dahil umaasa pa rin ang alkalde na malalampasan ang naturang banta na dala ng COVID-19 pandemic