NAGA CITY- Sugatan ang dalawang indibidwal kasama na ang isang menor de edad matapos mabundol ng isang motorsiklo sa Brgy. Sta. Maria Calauag, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Julie Ann Soria 30-anyos at ang anak nitong 6-anyos na batang babae.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na patawid na sana sa kabilang kalsada ang mga biktima nang mabangga ito ng motorsiklo na minamaneho naman ni Melvin Advincula, 38-anyos, residente ng B8 L11 Pacific Woods Subd. Carsadang Bago 1, Imus, Cavite.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad nabatid na dahil sa naturang insidente, nagtamo ng mga sugat sa kanilang mga katawan ang mga biktima na agad namang dinala sa ospital para sa asitensiyang medikal.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.