NAGA CITY – Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang ilang bahagi ng lungsod ng Naga maging ang ilang parte ng lalawigan ng Camarines Sur at Camarines Norte kaninang ala-1:38 ng hapon.

Naitala ang episentro ng lindol sa Goa, Camarines Sur na may lalim na 015km.

Batay sa inilabas na datos ng Phivolcs, naramdaman ang Intensity III sa Naga City, habang para naman sa instrumental intensities naramdaman din ang intensity III sa Pili, Intensity II sa Iriga City sa Camarines Sur at Intensity I sa Mercedes, at Daet, Camarines Norte gayundin sa Pasacao, Camarines Sur.

Sa ngayon, pagpapaalala na lamang ng ahensya na mag-ingat at huwag mag-panic sa kung maitala ang mga pagyanig.