Isang lindol na may lakas na magnitude 6.1 ang tumama sa Hokkaido ngayong Lunes, ayon sa German Research Centre for Geosciences (GFZ), habang patuloy pang minomonitor ng mga awtoridad ang sitwasyon.

Batay sa ulat ng Reuters, naitala ang lindol sa lalim na 80 kilometro ng lupa.

Sa ngayon, wala pang agarang ulat ng pinsala o pagkalugi sa ari-arian kasunod ng pagyanig, at patuloy ang beripikasyon ng mga awtoridad sa posibleng epekto nito sa lugar.

Patuloy ring inaantabayanan ang karagdagang impormasyon.

Advertisement
Advertisement