Photo © web

Patuloy na umaaray ang mga magsasaka sa harap ng tumataas na presyo ng mga gamit sa produksyon, partikular na ang abono at langis.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Cathy Estavillo, Spokesperson, Bantay Bigas, sinabi nito na base sa kanilang monitoring, ang presyo ng urea fertilizer, na pangunahing gamit ng mga magsasaka, ay umakyat mula ₱2,007 hanggang ₱2,400–₱2,500 kada bag. Dahil dito, ang karaniwang gastos sa produksyon ay tinatayang aabot na sa ₱80,000–₱90,000 kada ektarya, higit na mabigat kumpara sa nakaraang taon.

Paliwanag nito na dahil sa pagtaas ng presyo ng langis– mula ₱1,002 ay umabot na sa ₱2,500 kada drum, malaking dagok sa mga gumagamit ng deep well irrigation. Ang Pagtaas ng abono at pestisidyo – dahil import-dependent ang Pilipinas, apektado ng kaguluhan sa Middle East na pangunahing pinagmumulan ng fertilizer at pesticide. At pati na rin anPagtaas ng renta sa makinarya– dahil sa mahal na krudo, tumaas din ang singil sa paggamit ng harvester at iba pang kagamitan. Maraming magsasaka ang nagdadalawang-isip kung magtatanim pa sa darating na May–July planting season dahil sa sobrang taas ng gastos. Ang ₱5,000 oil subsidy at ₱3,200 support subsidy mula sa gobyerno ay itinuturing na hindi sapat, dahil kulang pa ito para sa binhi at abono. May panawagan ang mga magsasaka na magbigay ang gobyerno ng ₱50,000 production subsidy bawat magsasaka, na tinatayang aabot sa halos ₱200 bilyon, upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagtatanim at suplay ng pagkain sa bansa.

Binigyan diin ni Estavillo na dapat na imbestigahan at i-blacklist ang mga supplier ng mahinang klase o expired na fertilizer at binhi na ipinamamahagi sa ilalim ng Rice Competitive Enhancement Fund.
Palakasin ang organic farming at lokal na produksyon ng abono upang mabawasan ang pag-asa sa importasyon.

Advertisement

Ipinanawagan din ng mga magsasaka ang pagbabasura sa Oil Deregulation Law, pati na rin ang pagtanggal ng excise tax at VAT sa langis. Ayon pa kay Estavillo, ang mga buwis na ito ay nagpapataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at nagiging dagdag pasanin sa mamamayan.

Kung hindi kikilos ang gobyerno sa price control at production subsidy, posibleng hindi magtanim ang maraming magsasaka, na magdudulot ng panganib sa suplay ng bigas at pagkain ng mamamayang Pilipino.

Advertisement