NAGA CITY- Patay ang isang magsasaka matapos magpatiwakal sa Tayabas City.

Kinilala ang biktima na si alyas John, 33-anyos, residente ng Brgy. Malao-a, sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang ang wala ng buhay na katawan ng biktima nang kanyang pinsan na kinilalang si Walter Noce Deveza, 42-anyos, residente rin ng nasabing lugar na nakabigti sa loob ng kanilang bahay.

Samantala, isasailalim naman ang bangkay ni alyas John sa Post Mortem Examination upang makumpirma ang dahilan ng kanyang kamatayan.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad patungkol sa nasabing insidente.