NAGA CITY- Patay ang isang magsasaka matapos na malunod sa Barangay Ilayang Palsabangon Pagbilao, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Erick Edora 35-anyos, residente ng nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang tumatawid ang biktima sa isang ilog lulan sa isang kabayo ng bigla itong madala ng malakas na agos ng tubog baha.

Kaagad naman nagsagawa ng search and retrieval operation ang mga awtoridad at dito na nakita na wala ng buhay si Edora sa isang stationary fishing net.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.