NAGA CITY- Sugatan ang isang magsasaka matapos pagsasaksakin ng sariling kapatid sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Pedro Landicho, 52-anyos, residente ng Sitio Pulo, Barangay Manggalang 1, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang nasa loob ng kaniyang bahay ang lasing na biktima nang dumating ang nakainom rin na kapatid nito na si Joselito Landicho, 40-anyos,

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa dahilan upang undayan ng saksak ni Joselito ang kapatid nitong si Pedro.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa kaniyang katawan ang biktima na agad naman na dinala sa ospital para malunasan.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.