NAGA CITY-Nakumpiska ang mahigit ₱100,000 na halaga ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 2, Barangay San Jose, Talisay, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si alyas Salting, 41 taong gulang, residente ng Purok 10, Barangay VIII, Daet sa nabanggit na lalawigan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office, inaresto aniya ang suspek matapos ang buy-bust operation kung saan nakumpiska dito ang isang pirasong medium heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱34,000, apat na piraso ng medium heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱136,000, at isang ₱500 bill na ginamit bilang buy-bust money.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nangyaring operasyon.