photo © web

Dumating sa Pilipinas ang mahigit 400 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa United Arab Emirates (UAE) bilang bahagi ng repatriation efforts ng pamahalaan sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ligtas na nakarating sa Ninoy Aquino International Airport ang mga OFW matapos tulungan ng pamahalaan na makauwi dahil sa pangamba sa lumalalang sitwasyon sa rehiyon.

Ilan sa mga umuwi ay nagmula sa iba’t ibang sektor tulad ng construction, hospitality, at household service. Sinabi ng mga opisyal na binigyan ang mga OFW ng agarang tulong, kabilang ang financial assistance, temporary shelter, at transport assistance upang makauwi sa kanilang mga probinsya.

Pinaalalahanan din ng pamahalaan ang mga Pilipino sa Middle East na manatiling alerto at makipag-ugnayan sa pinakamalapit na embahada o konsulado ng Pilipinas kung kinakailangan.

Advertisement

Samantala, tiniyak ng DMW na patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon sa rehiyon at handa silang magpatupad ng karagdagang repatriation kung kinakailangan.

Advertisement