NAGA CITY- Tinatayang aabot sa mahigit P1,000,000 ang nakumpiska sa isang buy bust operation sa Lucban, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na naaresto sa operasyon sina Carlos Daniel Ello Lapuz, 30-anyos at Joseph Paule Barrientos, 21-anyos, residente ng Miramonte, Barangay Tinamnan, sa nasabing bayan.

Kaugnay nito, nabili sa mga suspek ang isang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu kapalit ng P1,000 bill bilang buy bust money.

Samantala, narekober pa kay Lapuz ang isang hindi rehistradong caliber 9mm improvised pistol;
isang piraso ng Caliber 9mm pistol magazine laman ang 10 pirasong live ammunitions, apat pang piraso na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pianiniwalaang shabu.

Sa kabuuan, aabot sa 50.22 grams ang bigat ng shabu na tinatayang aabot sa P1,024,428.

Sa ngunyan, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.