NAGA CITY- Tinatayang nasa mahigit P100,000 na halaga ang iniwang pinsala ng nangyaring sunog sa bahagi ng Brgy. Concepcion Grande, Naga City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay FCI Emmanuel Ricafort, fire marshal kan Bureau of Fire Protection (BFP)-Naga, sinabi nito na halos isang oras bago naapula ang naturang sunog kung saan natupok ang furniture shop sa nasabing lugar.
Aniya, tinitingnan ng mga otoridad na posibleng ang napabayaang kagamitan na nakasaksak ang naging dahilan ng sunog.
Dagdag pa ni Ricafort, napag-alaman na dati na umanong nagkakaproblema ang naturang kagamitan.
Nabatid din na umabot sa first alarm ang nangyaring sunog sa naturang lugar.
Samantala, wala naman aniyang nasaktan sa naturang insidente.