NAGA CITY- Mahigit sa P100,000 ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang drug personality sa San Jose, Iriga City, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Mark Christian Orbon, 39-anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLtCol ALejandro Monge, hepe ng Iriga City PNP, sinabi nitong dati ng sumuko ang nasabing suspek ngunit muling bumalik sa iligal na gawain.

Doon na aniya nila ipinasailalim sa anti-illegal drug operation ang suspek kung saan nakumpiska rito ang humigit kumulang sa 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000.

Sa ngayon, nananatili na sa kustodiya ng mga otoridad ang suspek habang hinahanda na ang kasong isasampa laban dito.

Ayon kay Monge, matapos ibaba sa Modified General Community Quarantiner ang lalawigan, muli na namang naglabasan ang mga drug personalities at nagpapatuloy sa kanilang mga iligal na transaskyon.Top