NAGA CITY – Kumpiskado ang mahigit P110-K na halaga ng iligal na droga sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Lucena City.

Kinilala ang suspek na si Alvina Imperio Manuel Alyas Vina, 30-anyos, residente ng Purok 5, Brgy. Dalahican sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na maliban sa buybust item nakumpiska pa sa suspek ang nasa 5.42 grams na shabu at tinatayang nagkakahalaga ng P110,568.00.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.