NAGA CITY – Mahigit P117-M na halaga ng iligal na droga ang nasabat na Philippine National Police (PNP)- Bicol sa unang quarter ng taon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, napag-alaman na sa sa unang quarter ng taon, nasa kabuuang timbang na 22,196.390 grams ng “shabu” na tinatayang nasa P117.6-M ang nakumpiska ng mga otoridad.

Habang 42.394 grams naman ng marijuana na tinatayang nasa P5,087.28 ang halaga ng nakumpiska sa 278 drug operations na isinagawa sa tulong ng PDEA.

Ang naturang operasyon ay nagresulta rin sa pagkakahuli sa 31 High Value Targets at 261 newly identified drug personalities na ngayon ay nahaharap sa 278 na kaso.

Advertisement

Samantala, patay rin sa buy bust operation noong February 25,2020 sa Almeda Highway, Brgy. Concepcion Grande, Naga City ang No. 1 Regional Recalibrated Priority Database on Illegal Drugs (HVT) ng PRO4A kinilala na si Dirimpasan Pangandang Unte, aka “Bong”.

Narekober din sa naturang operasyon ang 4 na sachet ng pinanainiwalaang shabu na tinatayang 107.358 grams ang timbang nito na nagkakahalagang P536,790.00 at isang plastic na may laman na tatlong rolyo ng pinaniniwalaang marijuana at mga baril at bala nito.

Gayundin ang 20 kilo ng “shabu” na tinatayang nasa P106,000,000.00-M ang halaga na nakuha sa Matnog, Sorsogon. Ang naturang drug items, dala ng dalawang drug couriers na kinilala naman na sina Irish Yap Dele Peña at Jose Lani Abirido Rocaza, mga residente ng Muntinlupa City, na naaresto sa naturang operasyon.

Kaugnay nito, 10 drug personalities naman ang sumuko at ngayo’y nasa ilalim na ng recovery and wellness program at community based rehabilitation program ng LGUs sa ilalim ng ”tokhang” activities.

Sa ngayon, nasa 38.41% o 1,069 mula sa 2,783 drug affected barangays ang wala ng kaso ng iligal na droga.

Advertisement