NAGA CITY- Nasamsam ang nasa mahigit P200-K na halaga ng iligal na droga mula sa tatlong drug personality sa isinagawang buybust operation sa Zone 3, Brgy. Tabuco, Naga City.

Kinilala ang mga naaresto na isang 32-anyos na lalaki, isang driver at residente ng San Antonio; 33-anyos na construction worker, residente ng Del Rosario at isang 36-anyos na room boy na residente naman ng Del Rosario lahat mula sa bayan ng Milaor, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office napag-alaman na nakabili ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu ang posuer buyer sa mga suspek sa halagang P500.

Maliban sa buybust item, nakumpiska sa mga suspek ang 11 na sachet pa ng iligal na droga.

Sa pangkabuuan, nagkakahalaga ng nasa P238-K ang mga nakumpiska na iligal na droga.

Sa ngunyan, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek para sa karampatang kaparusahan.