NAGA CITY – Kumpiskado ang mahigit sa P209-K na halaga ng pinaniniwalaang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 1, Brgy San Agustin, Tiaong, Quezon.

Kinilala ang suspek na si Melchor De Ocampo Gutierrez, alias Puti, 42-anyos, residente ng naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ng isang sachet ng nasabing iligal na droga mula sa suspek ang nagpanggap na posuer buyer.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na maliban sa buy-bust item, narekober pa sa suspek ang apat pang sachet ng pinaniniwalaang shabu na mayroong bigat na 8.6 grams at nagkakahalaga ng P209,840.00.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.