NAGA CITY- Arestado ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Greenhills Phase 3, Brgy Market View, Lucena City.

Kinilala ang suspek na si Darwin Mendoza Borras alyas Boyong, 40-anyos, residente sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), naaresto ang suspek matapos na makabili ng isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Kaugnay nito, nasamsam sa suspek ang pitong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu, isang coin purse at isang P500 na ginamit bilang buy bust money.

Advertisement

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na tinatayang aabot sa sa 1.2 grams ang mga nakumpiskang iligal na droga na nagkakahalaga naman ng nasa P24,480.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon habang hinahanda naman ang kasong isasampa laban dito.

Advertisement