NAGA CITY- Nasamsam ang nasa mahigit P3-M na halaga ng iligal na droga mula sa dalawang drug personality sa isinagawang buybust operation sa Purok Ilang-Ilang 1, Brgy. Silangang Mayao, Lucena City.
Kinilala ang mga suspek na sila Christian Vien Enverga alyas Mayor, 43-anyos, residente ng Brgy. Silangan Mayao, Lucena City at Antonio Ruel San Vicente alyas Tonton, 40-anyos, Purok Sampaguita, Brgy. Domoit, Lucena City.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na naaktuhan ng mga otoridad ang mga nasabing suspek na nagbebenta ng iligal na droga matapos na makabili sa mga ito ng isang plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu ang nagpanggap na posuer buyer sa halagang P10-K.
Sa inisyal na imbestigasyon naman ng mga otoridad, maliban sa buybust item nakumpiska pa kay Enverga ang walong plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu habang apat na sachet man naman ang nakuha kay San Vicente.
Sa pangkabuuan, tinatawayang mayroong bigat na aabot sa 159.06 grams ang mga nasamsam na iligal na droga na nagkakahalaga ng nasa P3,244,824.
Sa ngayon nasa kustodiya na kan mga otoridad ang mga suspek para sa karampatang kaparusahan.