NAGA CITY – Kumpiskado ang mahigit sa P440-K na halaga ng pinaniniwalaang shabu sa isinagawang buy-bust operation laban sa dalawang suspek sa Candelaria, Quezon.
Kinilala ang mga suspek na sina Jamie Ciga Escuadra, 60-anyos asin Trisha Daang Gentiles, 38-anyos, residentes ng Antipolo City.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ng isang sachet ng nasabing iligal na droga mula sa dalawang suspek ang nagpanggap na posuer buyer.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na maliban sa buy-bust item, narekober pa sa mga suspek ang walo pang sachet ng pinaniniwalaang shabu na mayroong bigat na 21.66 grams at nagkakahalaga ng P441,864.00.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.