NAGA CITY- Kumpiskado ng mga awtoridad ang mahigit P45,000 na halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang suspek sa isinagawang buy bust operation sa Lucena City.

Kinilala ang suspek na si Ma. Lalaine Gregory, 57-anyos, residente ng Barangay Isabang, Tayabas City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nabili ng umaktong poseur buyer sa suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu.

Maliban sa buy bust item, nakumpiska pa sa suspek ang anim pang pakete ng ilegal na droga na may bigat na 2.24 grams at nagkakahalaga ng P45,696.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.