Idineklara ng Malacañang ang Mayo 27, 2026 bilang regular holiday sa buong bansa bilang paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga Muslim, ayon sa nilagdaang Proclamation No. 1264 sa ilalim ng awtoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Nilagdaan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto ang Proclamation No. 1264 na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga Muslim na maipagdiwang ang Eid’l Adha, isa sa pinakamahalagang okasyon sa Islam.

Ang Eid’l Adha, na tinatawag ding Feast of Sacrifice, ay pag-alala sa katapatan ni Propeta Ibrahim sa Diyos nang iniutos sa kanya ang sakripisyo sa kanyang anak bilang tanda ng pagsunod sa banal na utos.

Ayon sa proklamasyon, ang National Commission on Muslim Filipinos ang nagrekomenda ng pagdedeklara ng holiday batay sa inaasahang petsa ng pagdiriwang na Mayo 27, ayon sa Islamic lunar calendar.

Advertisement

Sa ilalim ng umiiral na batas, ang mga regular holiday ay may katumbas na holiday pay para sa mga empleyadong papasok sa trabaho sa nasabing petsa.

Advertisement