Iginiit ng Malacañang na ang tanging magagawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay sumunod sa batas at pairalin ang rule of law kaugnay ng usapin ng warrant of arrest laban kay Senador Ronald dela Rosa.

Ito ang naging tugon ni Palace Press Officer Claire Castro matapos ang naging apela ni dela Rosa noong nakaraang linggo kay Pangulong Marcos na protektahan siya bilang isang mamamayang Pilipino.

Ayon kay Castro, batay sa naging komento ng Office of the Solicitor General sa Supreme Court of the Philippines, hindi na umano kinakailangang dumaan pa sa lokal na hukuman ang warrant of arrest laban sa senador.

Samantala, mariing itinanggi ni Jonvic Remulla na spliced o inedit ang inilabas na video kaugnay sa umano’y pag-alis ni dela Rosa mula sa Senado.

Advertisement

Kinumpirma rin ni Remulla na tatlong indibidwal umano ang sumakay sa isang puting SUV na nakarehistro kay Senador Robin Padilla, batay sa rekord ng Land Transportation Office.

Advertisement